FANDOM



Pag-ibig o Pagka-gusto – Noong unang Makita ng tagapagsalaysay si Monica ay nagustuhan na niya ito. Nakipaglaban pa nga siya para maipwesto katabi ng babae sa pagtatrabahuhan, ngunit umalis bigla ito. Sa demonstrasyon, nilapitan niya si Monica nang makitang mag-isa ito at niyakap. Noong unang beses na magtalik sila ay nagpaangkin siya ng buong-buo at naisip na handa siyang mahalin si Monica kahit na alam niyang may anak na ito.

Pagka-sawa o Pagka-wala ng Pagmamahal – Kapansin-pansin na sa pagkukwento ng tagapagsalaysay ay nawala na ang pagmamahal niya sa asawa. Ilang beses na niyang inisip na humiwalay dito bigla ngunit hindi naman natuloy. May mga pagkakataon ding hindi na siya gumawa ng hakbang para ayusin ang isang alitan sa pagitan nila gaya nung pinabayaan lamang niyang umalis ang asawa kahit na umuulan. Madalas din siyang mag-isip ng mga tila imposibleng pangyayari para lamang maka-hiwalay sa asawa, kagaya ng pagdadala sa kanya ng Tren sa ibang mundo, at ang pagkakaroon ng lindol na makakapagpabagsak sa salamin sa motel na papatay sa asawa niya habang siya ay hindi matatamaan. Binanggit din sa simula na matatapos na ang mga paghihirap nilang mag-asawa, dahil paglabas nila sa kwartong iyon, maaaring subukan nilang ayusin muli ang lahat, o magdesisyong maghiwalay na.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

Also on FANDOM

Random Wiki