FANDOM




Politikal - Nabanggit sa kwento na sumasailalim ang bansa sa isang pagbabago ng panahon noong dekada ’80, kaya’t maaaring isiping naganap ang kwento noong panahon ng Martial Law, bago ito napabagsak, o kaya’y nung bagong luklok sa pwesto si dating Pangulong Cory, dahil noong mga panahong iyon masasabing hindi matatag ang politikal na aspeto ng bansa.


Kawalan ng magulang na mag-aalaga sa anak - Kapansin-pansin na kahit 13 taong gulang na ang tagapagsalaysay ay inihanap pa rin siya ng yaya na magbabantay sa bawat kilos niya. Walang masyadong naikwentong pakikipag-ugnayan ng bata sa kanyang mga magulang, at maaari ring isiping laging walang naiiwan sa bahay kundi siya at ang yaya niya.


Pag-iibigan ng dalawang kabataan - Ang naging relasyon ng tagapagsalaysay at ni Nilda ay isang lihim dahil na rin siguro sa agwat ng mga katayuan nila sa buhay. Sa relasyon nila, makikitang mas agresibo si Nilda dahil mukhang mas marami siyang alam. Sa takbo ng kwento ng tagapagsalaysay, karamihan sa mga ginawa nila ay noon lamang niya naranasan, at hindi niya alam ang gagawin sa isang sitwasyon. Si Nilda kadalasan ang gumagawa ng unang hakbang, at ang mas gumagalaw pag nagtatalik sila.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

Also on FANDOM

Random Wiki