FANDOM



Lungsod at Baryo – madalas ikinukumpara ang lungsod sa baryo na parang may kompetisyon sa pagitan nila. Ang isang layunin nga ng pagluluto ng kanyang ina ng masarap ay parang paraan nito ng pagsasabi na ‘hindi lahat ay makikita sa lungsod’


Kawalan ng Pag-unlad – nabanggit din sa kwento ang kawalan ng pag-unlad sa kanilang baryo. Kahit ilang eleksyon na ang nagdaan, walang natupad sa mga pangako ng mga kandidato. Napag-usapan din ang katawa-tawang pamimili ng isang kababayan kung ang iboboto ba niya ay yung dating artista o yung dating basketbol player.


Pagbubuntis – maraming kaisipan ang nabuo kay Lynn tungkol sa pagbubuntis. Naging desperado siya sa pagiisip kung siya ba ay buntis nang minsang makipag-talik kay Tiboy, at kapansin-pansin ang galak na naramdaman niya ng malaman niyang hindi. Nang malaman niyang siya ay buntis, naisip niyang akitin ang kanyang amo para makahanap ng aako ng responsibilidad sa anak niya. Naisip rin niyang bumili ng mga gamot na pangontra sa pagbubuntis, at ipalaglag ang bata. Hindi siya maka-isip ng magandang solusyon sa problema niya. Noong huli, hiniling na lamang niyang magkaroon ng himala na lumipat yung sanggol mula sa kanya papunta sa sinapupunan ng amo niya. Sa ganitong paraan, makakasama pa rin niya ang anak niya kahit hindi nito alam na siya ang ina nito.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

Also on FANDOM

Random Wiki