FANDOM




Ang Nilda ay tungkol sa mga kwento ng isang lalaki noong 13 taong gulang siya noong dekada ’80. Sa loob ng isang taon, mula sa bakasyon niya noong tag-init hanggang sa pagtatapos niya ng elementary, ay marami siyang naranasang bago sa buhay niya. Ikinwento niya ang pagkakaibigan nila ng bodyguard ng ama niya na si Moroy, kung paano siya tinutukso-tukso nito at tinuturuan ng kung ano-ano gaya ng pagmamaneho at paggamit ng baril. Si Moroy din ang nagligtas sa ama niya mula sa kamatayan nang saluhin nito ang mga balang dapat sana’y para sa ama niya sa isang pananambang. Ikinwento rin niya ang pagkakaroon nila ng lihim na relasyon ni Nilda na siyang yaya niya. Marami ring itinuro si Nilda sa kanya, partikular na ang mga bagay tungkol sa mangga: kung pano umakyat ng puno nito, mamitas at magbalat ng bunga, at gumawa ng mga sawsawan para dito. Bahagya niyang binanggit ang mga naramdaman niya sa unang halik at pakikipagtalik niya dito, at kung paano siya nangakong dadalawin si Nilda pagdating ng panahon.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

Also on FANDOM

Random Wiki