FANDOM



Malakas ang bagyo kaya’t napilitang tumuloy ang tagapagsalaysay at si Monica sa isang motel sa Subic. Habang nakahiga, pinagmamasdan ng tagapagsalaysay ang asawa at inalala kung paano sila nagkakilala, nagsimulang magsama, at ang mga panahon sa buhay nila na nagkaroon sila ng pag-aaway. Nakilala niya si Monica, sa isang boluntaryong operasyon para sa mga nasalanta ng lindol, at matapos ang isang taon, sa demonstrasyon na naglalayong pigilan ang pagpapahaba ng pananatili ng mga Amerikano sa bansa. Naikwento niya ang mga pagkakataong nais na lamang niyang mawala sa kakapalan ng mga tao sa mall, o di kaya’y maiwan sa loob ng tren mag-isa hanggang sa dalhin siya nito sa isang lugar na pinapangarap niya. Minsan rin ay nilayasan siya ng asawa habang nakasakay sa taxi at pinabayaan lamang niya ito. Nagdesisyon lamang siyang hanapin ang asawa nang maipit sa masikip na trapik ang sinasakyan. Habang nasa motel, iniisip niya ang mga maaaring mangyari kung saan lilindol, mababagsakan ng salamin ang asawa niya, at mamamatay ito, habang siya ay mabubuhay.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

Also on FANDOM

Random Wiki